Panibagong Low Pressure Area, namataan sa Zambales

33

Manila, Philippines – Ilang araw matapos manalasa ang bagyong Crising sa Visayas, isang panibagong Low Pressure Area ang namataan sa Zambales.

Ayon sa PAGASA, namataan ang LPA sa layong 340 kilometers west ng Iba, Zambales.

Pero sabi ng weather bureau, sa ngayon ay walang direktang epekto ang naturang lpa sa mga bahagi ng bansa.

Matatandaang noong Sabado De Gloria ay humina at naging LPA na lamang ang bagyong crising matapos mag-landfall sa Samar.

Umabot naman sa 4,500 na pasahero at 400 na sea vessels ang nastranded sa Bicol at Visayas regions dahil sa bagyong Crising.
Nation

Facebook Comments