Aabot sa 30 electoral protests ang natanggap ng Commission on Elections (COMELEC) na may kaugnayan sa 2022 elections.
Ayon kay COMELEC acting Spokesperson John Rex Laudiangco, sinusuri na ng Electoral Contest Adjudication Department ang mga protestang ito.
Kabilang aniya sa mga sangkot sa mga inihaing protesta ay city, provincial at regional positions na sakop ng hurisdiksyon ng poll body.
Nauna nang sinabi ng poll watchdog na Kontra Daya na mayroong panloloko sa 2022 elections na nagresulta ng kawalan ng transparency at oversight of experts, disinformation, vote-buying, pananakot, at iba pa.
Habang inulat ng International Coalition for Human Rights na ang halalan sa taong ito ay bigong makatugon sa pamantayan para sa malaya at patas na botohan.