Tatlong close contacts ng unang kaso ng Omicron Subvariant BA.4 sa Pilipinas, natukoy na ng DOH

226

Natukoy na ng Department of Health (DOH) ang tatlong close contacts ng unang naitalang kaso ng Omicron subvariant BA.4 sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, nakumpleto na ng Returning Overseas Filipino (ROF) ang 14 araw na isolation bago nakasalamuha ang tatlo nitong close contacts.

Aniya, ang ROF na ito na hindi pa bakunado at asymptomatic ay may travel history mula Qatar at South Africa.


Lahat aniya ng household contacts nito ay asymptomatic at fully vaccinated pero bineberipika pa ang testing status ng mga ito.

Sabi pa ni De Guzman, ikinokonsidera ang BA.4 subvariant bilang ‘variant of concern’ ng European Center for Disease Prevention and Control dahil sa mas mataas na transmissibility at posibleng pag-iwas sa immune protection.

Gayunman, wala pa aniyang patunay na ang subvariant na ito ay nakakapagdulot ng mas malalang sintomas.



Facebook Comments