ELECTRICAL FAILURE | MRT 3, nagka-aberya – mga pasahero pinababa

21

Manila, Philippines – Mahigit dalawandaang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang pinababa sa GMA-Kamuning Station dahil sa aberya sa tren.

Nangyari ang insidente ganap na alas-nuwebe-kinse kaninang umaga.

Ayon kay MRT-3 Media Relations Officer Aly Narvaez, nagkaroon ng ‘Electrical Failure’ sa motor ng tren kung kaya’t pinababa ang mga sakay na pasahero.

Agad naman silang naisakay sa dumating na tren makalipas ang apat na minuto.

Ibinalik na sa MRT-3 Depot ang nasirang tren para isailalim sa pagkumpuni.

Facebook Comments