Electrical room ng pinakamalaking ospital sa Cotabato City nasunog

Nabulabog at nagpanic ang mga pasyente at kawani ng Cotabato Regional and Medical Center(CRMC) matapos bahagyang masunog ang electrical room ng pagamutan kagabi. Ayon kay Bureau Of Fire Protection BFP Cotabato City Spokesperson FO1 Alvin Narra matapos nilang matanggap ang tawag ay kaagad rumesponde ang kanilang mga pamatay sunog.
Pasado alas siyete kagabi ng magkagulo sa loob ng ospital ng makitang lumiyab ang elecrrical room. Kanya kanyang takbuhan ang nga tao sa exit area . Agad namang nagpatupad ng emergency evacuation ang CRMC
Sinabi ni FO1 Narra na problema sa koneksyon ng elektrisidad ang sanhi ng sunog. Patunay dito ang nakitang sunog na electrical connections, insulations at conduit ng mga electrical lines. Inaalam pa ang pinsala danyos sa naturang sunog.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments