Electronic kiosks, para mapadali ang mga transaksyon at bayarin inilunsad sa San Juan City

Hindi na mahihirapan pa ang mga taga San Juan na makipag transaksyon itoy matapos na pormal ng ilunsad ang Electronic Kiosks na isang mobile application na kumpleto sa eLGU services, at E-wallet services upang lalong mapabilis ang kanilang mga transaksyon sa San Juan City Government.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora bukod sa free WiFi sa buong San Juan hindi na mahihirapan pa ang mga San Juan sa lahat ng kanilang mga transaksyon kabilang ang kanilang mga bayarin sa tubig,kuryente at ibat ibang mga bayarin gaya ng business permit at mga clearances.

Ibinida ng alkalde ang San Juan City Government na tinaguriang Smart City, ang Makabagong San Juan,na kauna unahangLGU sa Bansa na nag offer ng electronic kiosk-mobile application combo sa bawat residente gaya ng Business Permit Licensing System (BPLS), Real Property Tax (RPT) System, Senior Citizen Management System, Motorized Vehicle Operators Permit System, Civil Registry Information System at ng Sanggunian Management System.


Paliwanag ni Mayor Zamora na hindi na kailangan pang pumunta pa sa City Hall dahil kahit sa mga Barangay ay mayroong mobile application na tinawag nilang Makabagong San Juan App na maaaring magbayad sila ng kanilang mga bayarin.

Dagdag pa ng alkalde na ang. Electronic kiosks ay naka installed sa City Hall at sa 21 Barangay Halls ng San Juan upang ma- improve ang kanilang Business.

Facebook Comments