Electronic tricycles na nagkakahalaga ng USD 5-B, number 1 sa listahan ng Singapore na planong i-invest sa Pilipinas

Nangunguna sa listahan ng Singapore na i-invest sa Pilipinas ay ang electronic tricycles na nagkakahalaga ng USD 5 Billion.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang planong investment na ito ay makatutulong sa sektor ng transportasyon na makababawas sa air pollution ng nasa 3.5 milyong tricyles sa buong bansa.

Kasunod sa listahan ng Singaporean investment ay ang renewable energy, partikular ang bagong technology na floating solar na nagkakahalaga ng USD 1.2-B.


Sinabi ni Angeles, ang top two investments na ito ng Singapore sa Pilipinas ay parehong environment-friendly na nakalinya sa programa ng gobyerno kaugnayan sa climate change.

Bukod sa dalawa, ang iba pang magiging investment ng Singapore sa Pilipinas ay ang mga sumusunod na data center na nagkakahalaga ng USD 200 million.

Inaasahan dito na maraming Pinoy ang magkakaroon ng trabaho lalo na ang mga nasa Information Technology (IT) at creative industry.

Interesado rin ang Singapore sa tinatawag na “Blue Economy” kung saan mag-i-invest sila ng mula sa USD 10 million hanggang USD 100 million sa marine renewable energy, water production, desalination, electric boats maging sa aquaculture.

Kasama rin sa investment ang “Innovation Platform for Start-ups” na nag-pledge ng USD 20 million habang may USD 20 million ang i-invest sa “Women in Technology”.

Facebook Comments