DAR, kukuha ng mga bagong abogado para mapabilis ang pagresolba sa mga kasong agraryo

67

Nangangailangan ng karagdagang mga abogado ang Department of Agrarian Reform (DAR) upang mapabilis ang pagresolba ng mga agrarian cases.

Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, kulang ang kanilang mga abogado para i-review ang lahat ng nakabinbin na kaso sa ilalim ng DAR Adjudication Board at Agrarian Law Implementation.

Mula noong 1988 hanggang June 2022, nakatanggap ang DARAB ng kabuuang 640,807 caseloads.


Mula sa nasabing bilang, may 638,445 ang naresolba na at may naiwan pang pang balanse na 2,362 na nakabinbing kaso.

Sabi pa ni Estrella, napakahirap kumuha ng competent at topnotch lawyers na tutulong sa DAR sa pagresolba ng pending cases.

Kabilang sa kanilang plano ang gumawa ng scrap and build scheme.



 

Ito ay ang pag-abolish ng mga bakanteng posisyon upang bumuo ng mga kinakailangang posisyon para makapag-alok ng mas malaking sweldo para sa mga abogado.

Facebook Comments