BJMP, nanawagan sa publiko na tangkilikin ang mga parol na gawa ng mga PDL

92

Hinimok ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang publiko na tangkilikin ang mga gawang parol ng mga Persons Deprived Liberty (PDL) sa iba’t ibang jail facilities.

Ayon kay BJMP Chief Jail Director Allan Iral, malaki ang maitutulong ng publiko upang mapasaya ang mga PDL ngayong Kapaskuhan dahil may maipangsusuporta ang mga ito sa kanilang mga pamilya.

Buwan pa lang ng Agosto ay nakagawa na ng mga parol ang PDL sa Negros Occidental District Jail – Male Dormitory.


Gayundin ang mga PDL ng San Juan City Jail – Male Dormitory na nakilala sa kanilang mga gawang makukulay na parol na gawa sa mga kawayan, colored plastic charol, at mga pailaw.

Kabilang din dito ang gawa ng mga PDL sa Pateros Municipal Jail kung saan ang bulto ng kanilang produksyon ay siyang magpapailaw sa mga kalsada ng naturang bayan.

Facebook Comments