Ang huling araw ng pagpasa ng COC sa Dagupan City ay nagtapos noong Abril 21, Sabado mayroong 1390 ang nagfile ng kanilang COC both for the SK and Barangay. Ayon sa COMELEC ng Dagupan City ay wala pang naitatalang disqualified sa mga kandidato, at hindi basta basta dinidisqaulified ang mga ito.
Ayon kay Atty. Ericson Oganiza, Election Officer ng Dagupan City“hindi naman kasi automatic na dinidisqualified, ang ginawa natin yung mga may possibilities na madisqualified is ni report namin sa aming Law Deparmenta para sila ang gumawa ng kaukulang aksyon.”
May paalala ang COMELEC sa mga nais tumakbo ngayon bilang chairperson o miyembro ng sangguniang kabataan. • Dapat ikaw ay mamamayan ng Pilipinas. • Kwalipikadong botante ng kaptipunan ng kabataan(KK). • Residente ng Barangay ng hindi bababa ng isang taon bago ang araw ng Eleksyon. • Hindi bababa ng 18 taong gulang at hindi lalagpas ng 24 taong gulang sa araw ng Eleksyon. • Nakakabasa at nakakasulat Filipino, Ingles o iba pang local dialect. • Walang kamag-anak na incumbent elected national, regional, provincial, city, municipal o barangay official sa lokalidad kung saan nais tumakbo. • Hindi dapat nahatulan ng pinal sa krimeng may kinalaman sa moral turpitude.
Ulat ni Maureen Joyce Garcia
ELEKSYON 2018 | COMELEC: Wala Pang Naitatalang Disqualified Sa Mga Nag-file Ng COC
Facebook Comments