PATAY | Isang babae, sawi matapos barilin sa ulo

Manila, Philippines – Patay ang isang 18-anyos na babae matapos barilin ng isang beses sa ulo sa Tempo­rary Housing, Aroma, Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Merry Rose Mercolita na residente sa nasabing lugar.

Sa ulat, naganap ang pamamaril sa eskinita sa pagitan ng Building 11 at 15 ng Temporary Housing kung saan walang gustong magsalitang kapitbahay ng biktima dahil sa takot na madamay sa pangyayari.


Nabatid na ang biktima ay nakaupo sa nasabing eskinita nang bigla na lamang lumutang ang suspek at binaril sa ulo saka mabilis na tumakas.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang malaman ang motibo ng suspek sa insidente maging ang pagkakakilanlan nito.

Facebook Comments