Ito ay makaraang magpasa ng isang resolusyon ang Local Government Unit ng Luna at Cauayan City maging ang Provincial Government ng Isabela sa hiling na magkaroon ng eleksyon para sa pagpili ng mga bagong miyembro ng Board of Directors ng kooperatiba.
Inihayag ito ni ISELCO 1 OIC General Manager Atty. Cath Alberto sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan.
Matatandaang kaliwa’t kanan noon ang panawagan ng Sangguniang Panlalawigan sa pamunuan ng ISELCO-1 na dumalo sa kanilang ipinatawag na legislative inquiry upang pag-usapan ang ilang isyu ng umano’y pagtaas sa presyo ng kuryente noong nakaraang taon.
Tugon ng kooperatiba, dumalo naman sila sa mga imbitasyon ngunit aminado sila na may pagkakataon na hindi sila nakadalo dahil nataon na kasabay ang Electrification Awareness Month noon.
Ayon pa kay Atty. Alberto, ang mga dokumentong hiningi noon para sa pagdinig ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ay naisumite naman nila.
Samantala, magsasagawa naman ng Annual General Membership Assembly ang ISELCO-1 sa darating na July 2022.