Embahada ng Pilipinas sa New Dehli India, kinumpirma na walang Pinoy ang nasawi sa nangyaring deadly triple-train collision

Kinumpirma ng Embassy of the Philippines sa New Dehli, India na walang Pinoy o Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nasawi sa nangyaring deadly triple collision ng tren.

Matatandaan na halos nasa 300 na ang nasawi habang nasa 900 ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa iba’t ibang hospital.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa India, wala silang natanggap na ulat na may mga Pinoy ang nasangkot sa nangyaring insidente at patuloy na nakikipag-ugnayan sa Philippine Honorary Consulate sa Kolkata na siyang may jurisdiction sa Odisha na nagkumpirma na walang Pinoy ang nasangkot sa nasabing aksidente.


Samantala, tiniyak ni Modi na makakatanggap ng pinansiyal na tulong ang mga biktima.

Facebook Comments