DOLE, naglabas na ng listahan ng Job Fair sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Maraming lugar sa bansa ang pagdadausan ng job fair hinggil sa pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, 2023.

Kaugnay nito, naglabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng listahan ng mga lugar na pagdadausan ng job fair na maaaring puntahan ng mga naghahanap ng trabaho.

Sa National Capital Region, maraming sangay ng isang mall ang binuksan para sa Job Fair kabilang ang Rizal Gymnasium sa Pasig City, Paranaque City Hall Gymnasium at Vista Mall sa Taguig.


May mga bubuksan din venue sa Region 1-2-3-CALABARZON, MIMAROPA, Region 5-6-7–9-10-11-12 at Caraga Region.

Pinayuhan naman ng DOLE ang mga Job applicant na magdala ng kinakailangang requirements para sa kanilang pag-aaplay ng trabaho.

Facebook Comments