MANILA – Naniniwala ni Senator-elect Panfilo “Ping” Lacson na makakatulong sa administrasyon ni incoming President Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng “emergency powers” sa kanya para matigilan na ang mga Abu Sayyaf.Paliwanag ni Lacson, dapat bigyan ng kongreso ng emergency powers si Duterte para mas madali niyang maharap ang terorismo sa bansa – pati na ang iba pang problema ng bansa tulad ng iligal na droga gayundin ang matinding trapiko.Kailangan na aniyang tapusin ng gobyerno ang kasamaan ng Abu Sayyaf kung saan pinatay at pinugutan ang dayuhang bihag na si Robert Hall.Ito na rin aniya ang tamang panahon para sa wakasan ng Administrasyong Duterte ang problema sa Abu Sayyaf.
Facebook Comments