MANILA – Muling iginiit ngayon ni sen. Jv Ejercito ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang matapos na ang problema sa matinding traffic sa bansa.Sinabi ni Ejercito na kaya may mga Foreign Direct Investors na hindi mahikayat mag-invest sa bansa dahil sa hindi mahusay ang mga paliparan at pantalan gayundin ang mga railway system sa Pilipinas.Ayon kay Ejercito, matindi na ang pangangailangang gawing moderno ang mga airport at seaport para maging kaaya-aya sa mga turista.Isa si Ejercito sa naghain ng panukalang bigyan ng emergency powers ang Pangulong Duterte para solusyunan hindi lamang ang trapiko sa Metro Manila kundi maging ang sea at air transportation.
Facebook Comments