EMERGENCY REPAIRS | Ilang flights, kanselado dahil sa pagsasara ng Tacloban Airport

Tacloban – Kanselado ang ilang flights ngayong araw, January 18 bunsod ng pagsasara pansamantala ng Daniel Romualdez Airport sa Tacloban City.

Ang temporary closure ay kaugnay ng emergency repairs sa isinasagawa sa nasabing paliparan.

Sa abiso ng Cebu Pacific, kabilang sa mga kanseladong flights ngayong araw ang:


Flights:

Manila-Tacloban 5J 651 5J 649 5J 659 5J 653
Tacloban-Manila 5J 652 5J 650 5J 660 5J 654
Cebu-Tacloban DG 6571 DG 6573 DG 6577
Tacloban-Cebu DG 6572 DG 6574 DG 6578

Habang sa abiso naman ng Philippine Airlines, kanselado ang flights
– PR 2987
– PR 2988
– PR 2238
– PR 2239

Kasunod nito pinapayuhan ang mga pasahero na may kanseladong flights na makipag ugnayan sa mga nabanggit na airline companies para sa re-booking o refund ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments