EMERGENCY RESPONSE SA MGA BARANGAY NG LUNA, LA UNION, PINAIIGTING

Pinaiigting ang maagap na pagresponde sa anumang emergency ng mga barangay council sa Luna, La Union.

Layunin na agad makaresponde ang awtoridad sa mga lugar na madalas ang trapiko partikular sa mga national highway tulad ng mga barangay ng Masupe, Nagsabaran Norte, Nalasin, Pantar Norte, at San Pablo.

Sumailalim ang mga ito sa Standard First Aid Training at Basic Life Support Training na may kalakip na hand-on exercises.

Sa pamamagitan nito, inaasahan din ang aktibong koordinasyon ng mga barangay sa iba pang sangay ng gobyerno sa usaping emergency response. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments