US at Japan, magsasagawa ng emergency meeting matapos ang missile test ng NoKor

World – Magpupulong ang Amerika at Japan para pag-usapan ang pinakahuling missile test ng North Korea.

Ito ay matapos na tumama sa karagatang sakop ng Japan ang pinakawalang Intercontinental Ballistic Missile (ICBM) test ng Pyongyang.

Agad namang sinagot ng US at South Korea ang pagpapakawala ng North Korea sa pamamagitan ng pagsasagawa ng live-firing exercise gamit ang surface-to-surface missile.


Tinawag naman ni President Donald Trump ang missile test ng North Korea na isang delikado para sa nasabing bansa.

Sinabi naman ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na ang banta sa kanila ay totoohanan na at nakataya ang seguridad ng kanilang bansa.

Facebook Comments