Sinampahan na ng kaso ang isang empleyado ng Cagayan de Oro City Hall.
Ito’y matapos maaresto sa isinagawang drug buy bust operation sa kapulisan sa Barangay Macabalan dito sa syudad.
Ayon kay Cogon Police Station Commander Harvey Abellanosa na kasong pagpalabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa 26 anyos na si Wesconsin Brasil matapos mabilhan at makunan ng shabu.
Inihayag ni Abellanosa na inamin rin ng suspek na empleyado ito ng Cagayan de Oro City Agriculture Office.
Ipinaliwang ni Abellanosa na naging high value target si Brasil dahil empleyado ito ng gobyerno.
By: RadyoMaN Annaliza Amontos-Reyes
Facebook Comments