Empleyado ng DENR Midsayap, Cotabato, naaresto sa joint drug buy bust operation sa Cagayan de Oro

Naaresto ng kapulisan sa Cagayan de Oro ang isang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources o D-E-N-R sa Midsayap, Cotabato.

Ito’y sa isinagawang joint drug buy bust operation ng Divisoria Police Station at City Intelligence Unit kagabi sa Grand Central, Barangay Tres dito sa syudad.

Ang suspek ay ang 24 anyos na si Hakim Cotongan Panadigan, na naging High Value target ng kapulisan dahil empleyado ito ng D-E-N-R.


Maliban kay Panadigan naaresto rin sa naturang operasyon ang kasama nitong 25 anyos na si An-Naif Caris Macaumbos, na pawang mga taga Villa Angela Subdivision, Barangay Balulang.

Nakuha mula sa dalawa ang anim na sachet ng shabu, 500 pesos na buy bust money at isang sasakyan na Toyota Fortuner.

By: RadyoMaN Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments