Empleyado ng Kapitolyo, Natagpuang Patay sa Inuupahang Bahay!

414

*Cauayan City, Isabela*- Wala ng buhay nang matagpuan sa loob ng kanyang inuupahang bahay ang isang empleyado ng kapitolyo sa Zone 7, Alimannao, Peñablanca, Cagayan.

Sa impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng PNP Peñablanca mula kay PMaj Norly B Gamal na ang kanyang boarder na si Noel Victor Del Pilar Reyno, 57 anyos, may-asawa, empleyado ng Provincial Capitol, Tuguegarao City, Cagayan na tubong Quezon City ay natagpuang wala ng buhay.


Sa pagresponde ng mga otoridad ay nadatnan ang bangkay ng biktima sa ikalawang palapag ng kanyang inuupahang bahay.

Ayon sa asawa ni PMaj Gamal na si Ms. Susan, napansin umano nito na nakailaw pa sa banyo ng biktima kaya’t agad na tinungo ang kwarto ng biktima.

Hindi umano ito pinagbuksan matapos nitong kumatok ng maraming beses kaya’t binuksan na umano ni Gamal ang pintuan ng kwarto ng biktima gamit ang kanyang duplicate key.

Dito na nabatid na hindi na humihinga ang naturang biktima.



Sa imbestigasyon ng kapulisan at ng SOCO Team ay wala namang nakita na foul play sa pagkamatay ng naturang empleyado subalit patuloy pa rin ang kanilang pagsisiyasat upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Facebook Comments