Empleyado ng Unibersidad sa Cagayan, Patay sa Aksidente

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang empleyado ng unibersidad makaraang maaksidente sa daan na sakop ng Barangay Larion Alto, Tuguegarao City, Cagayan ngayong araw.

Kinilala ang biktima na si Jayson Jayme,26-anyos, binata, at residente sa lugar habang ang suspek ay nakilalang si Jhon Derrick Batang, 30-anyos, may-asawa, walang trabaho at angkas nito si Jefferson Batang ,28-anyos, binate at kapwa residente ng Brgy. Capatan, Tuguegarao City, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas pakanluran ng biktima ang lugar na pinangyarihan ng insidente sakay ng kanyang motorsiklo na Honda Click 125 na may temporary plate number na 0201-0740616 habang ang suspek at angkas nito ay ang daan pasilangan ng maganap ang insidente.


Bilang resulta, agad na tumilapon ang biktima, suspek at backrider kung saan nagtamo sila ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga sugatan sa aksidente subalit idineklarang patay na ang si Jayme ng sumuring doktor.

Patuloy naman na inoobserbahan ng mga doktor makaraang ilipat sa ibang ospital ang suspek at angkas nito.

Inaalam naman ng pulisya ang halaga ng pinsala sa mga motorsiklo habang nananatili ang mga ito sa kanilang pangangalaga.

Facebook Comments