Isang opisyal sa Indonesia, arestado matapos masangkot sa bribery scheme

77

Inaresto ng mga otoridad si Indonesia’s Social Affairs Minister Juliari Batubara matapos masangkot sa bribery scheme para sa isang food aid project.

Ito ay matapos makuha sa minister ang mga suitcase, backpack at envelope na naglalaman ng halos $1.2 million.

Tiniyak naman ni Indonesian President Joko Widodo na hindi niya kailanman poprotektahan ang mga tiwaling opisyal dahil ang perang iyon ay galing sa tao na kailangan sa pagsugpo sa COVID-19 pandemic.


Maaaring makulong si Batubara ng hanggang 20 taon at multang aabot sa $70,000 sakaling mahatulang guilty.

Facebook Comments