Andrea Brillantes, hinirang bilang 2020 Most Popular Celebrity on TikTok

Hinirang bilang Most Popular Celebrity on TikTok ngayong taon ang young actress na si Andrea Brillantes.

Ito ay matapos pumalo sa 8.7 million and counting ang kanyang followers sa nasabing video sharing app.

Pumangalawa naman sa pwesto ang sexy actress na si Sanya Lopez na mayroong higit 6.2 million followers at sinundan ng comedian-actor na si Vice Ganda na may 5.2 million followers.


Pasok din sa top 10 sina Jodi Sta. Maria, Sofia Pablo, Maja Salvador, Maymay Entrata, Ella Cruz, Heart Evangelista at Kyline Alcantara.

Nakuha naman ni Niana Guerrero ang number one spot sa ‘Top TikTok Star’ dahil umabot na sa 16.2 milyon ang kanyang followers.

Facebook Comments