Employers na nagsibak sa OFWs na na-infect ng COVID sa Hong Kong, hahabulin ng DOLE

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) Hong Kong, na hahabulin nila ang employers sa Hong Kong na nagsibak sa Filipino domestic workers na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa POLO Hong Kong, isa-isa na nilang kinakausap ang Pinoy domestic workers na inalis sa trabaho ng kanilang amo matapos na ma-infect ng virus.

Nilinaw rin ng POLO Hong Kong na kasama ang Pinoy domestic workers sa isasagawang mass testing doon.


Sa 221 na Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa Hong Kong, 43 na sa mga ito ang naka-recover, habang ang iba ay nagpapagaling pa sa ilang ospital at isolation facilities.

Facebook Comments