Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic.
Ito ay bagama’t patuloy ang pagbaba ng kaso ng infection sa bansa.
Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi pa rin dumadating ang Pilipinas sa endemic state.
Ayon kay Vergeire, nasa sitwasyon pa ng transitioning ang bansa para sa hangaring makamit ang new normal.
Umapela rin ang DOH sa publiko na panatilihin ang pagpapairal ng health protocols para magtuluy-tuloy ang mababang alert level.
Facebook Comments