Humingi ng paumanhin si Department of Energy Secretary Alfonso Cusi sa naranasang rotational brownouts sa Luzon nitong nakalipas na dalawang araw.
Ayon kay Cusi, hindi nila inakalang magsasabay-sabay ang breakdown ng apat na malalaking planta sa Luzon.
Aniya, 2,017 megawatts ang nawalang supply sa sistema kaya nagkaroon ng kakapusan sa supply na sinabayan pa ng matinding init ng panahon kaya tumaas ang demand.
Tiniyak naman ni Cusi na normal at sapat na ang supply ng kuryente sa Luzon Grid para maabot ang projected demand.
Patuloy ring tinututukan ng DOE ang ilang planta na hindi pa nakakabalik sa sistema at bagsak ang supply.
Facebook Comments