Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong gawing makabago at mapabilis ang permitting process sa power generation, transmission at distribution projects sa bansa.
Ito ang Republic Act 11234 o Energy Virtual One-Stop Shop Act.
Sa ilalim ng bagong batas, bubuo ng Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS), isang online system kung saan maaaring mag-apply, mag-monitor at makatanggap ang mga prospective developers ng kinakailangang permit at applications.
Dito rin isusumite ang lahat ng documentary requirements at magbabayad ng charges at fees.
Ang EVOSS ay pangangasiwaan ng Department of Energy (DOE).
Inaatasan din ng batas ang lahat ng government agencies na sumunod sa strict timeframe sa pagtugon sa mga nakabinbing applications.
Pagmumultahin din ang mga government official at employee na bigong maresolba ang application sa loob ng itinakdang timeframe, tumangging mag-participate sa EVOSS at i-antala ang operationalization ng EVOSS.