Idineklara ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Malasiqui ang araw ng January 23, 2023 bilang isang non-working local holiday para sa kapistahan nito.
Ang kautusan ay base sa inilabas ng LGU na Executive Order No. 02, Series of 2023 sa pagdedeklara sa bayan ng isang local holiday dahil sa selebrasyon ng kapistahan nito kung saan nakapaloob sa EO na ito ay walang pasok sa lahat ng local at national government offices sa bayan at sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan dito.
Ipinatupad ang naturang kautusan kahapon ika-22 ng Enero.
Samantala, ang kapistahan ng bayan ng Malasiqui ay tumagal sa loob ng walong araw kung saan matagumpay na isinagawa ang iba’t ibang mga gawain at selebrasyon na nag-umpisa noong January 16 gaya na lamang ng Aguew na Pisasalamat, Zumba, Senior’s day, NGO at Retire’s day, Educator’s Night, Aguew na Dumaralos o Araw ng mga Magsasaka, Balikbayan Night, Municipal Parade, pagparada ng mga kandidata sa Miss Malasiqui kung Matagumpay na ginanap ang patimpalak na ito at Kinoronahan si Miss Malasiqui Rose Ann Albania mula sa Brgy. Taloy at ngayong huling Araw ng kapistahan ay gaganapin naman mamayang gabi ang Sangguniang Kabataan Night.
HAPPY FIESTA MALASIQUI! |ifmnews
Facebook Comments