HULING ARAW NG PROJECT A.B.K.D SA ALAMINOS, ISINAGAWA

Isinagawa ang huling araw ng Awareness of Bombs that Kill Lives and Destroy Properties o Project A.B.K.D. sa Alaminos partikular para sa mga mag aaral ng Telbang National High School.
Naglalayon ang Project A.B.K.D. na mas maangat pa ang kamalayan ng mga mag-aaral at mga guro pati opisyales ng paaralan tungkol sa mga importansya ng koordinasyon sa mga kinauukulan maging ang mga dapat gawin kapag may bomb threat at iba pang pampasabog na pwedeng makapaminsala ng ari-arian.
Pinangunahan ang proyektong ito ng Pangasinan First District Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit sa pangunguna ni OIC Western Pangasinan EOD and Canine Unit Police Captain Edwin S. Sison.

Katuwang naman sa nasabing aktibidad ang Pamahalaang Lungsod ng Alaminos at ang Alaminos City Schools Division Office. |ifmnews
Facebook Comments