Enero 26, Special Non-Working Day sa Isabela

Ilagan City, Isabela – Walang pasok sa buong probinsya ng Isabela ngayong darating na ika 26 ng Enero, 2018, matapos itong ideklara na special non-working day.

Ito ay kaugnay sa ipinalabas na Executive Order #2 ni Governor Faustino “Bodjie” Dy III na gawing walang pasok ang nasabing petsa sa mga pampubliko at pribadong tanggapan upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat pamilyang Isabeleño na makibahagi sa pagdiriwang ng Bambanti Festival ngayong taon.

Sisimulan ang anim na araw na pagdiriwang ng Bambanti Festival sa ika 22 ng Enero, 2018 sa pamamagitan ng pagbubukas ng Bambanti Festival Village at inaasahang magtatapos sa Enero 27, 2018.


Ang Bambanti Festival ay isang tradisyong taun-taong ginaganap bilang pasasalamat sa patuloy na masaganang ani at kumikilala rin sa sipag, katatagan at pagkamapangalaga ng isang magsasaka na siya namang taglay na katangian ng isang Isabeleño.

Sa pagpapalabas ng nasabing E.O.#2 ni Gov. Bodjie Dy III, magkakaroon umano ang publiko ng mas malawak na panahon upang makisali sa pagdiriwang.

Facebook Comments