Engagement ring ni Jessy Mendiola, pinakamahal sa hanay ng celebrity marriage proposals

Bumuhos ang mga pagbati ngayon sa magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola makaraang i-post nila sa kaniyang Instagram ang kanilang engagement.

Kasabay nito, agaw-pansin ang malaking diamond sa engagement ring na suot ni Jessy sa larawang kumalat sa social media.

Nabatid na last year pa ipinagawa ni Luis ang engagement ring niya for Jessy kung saan aabot ng ₱5 million ang halaga nito.


Mahigit-kumulang sa 3 to 4 carats ang laki ng D-color diamond na singsing na kabilang sa klase ng rare colorless diamonds.

Nasa 18 karats rin ang white gold band nito with side diamonds na level D rin ang kulay ng diamante.

Una nang kinumpirma ni Luis na October pa siya nag-propose kay Jessy at ang mga larawan na lumabas sa social media ay para sa kanilang engagement photoshoot.

Facebook Comments