ENGKWENTRO | 2 BIFF, patay sa Maguindanao

Maguindanao – Patay ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa serye ng bakbakan laban sa militar sa Maguindanao.
Bukod sa mga nasawi, sugatan din ang dalawa pa nilang kasamahan na hindi muna pinangalanan ng militar.

Target ng operasyon ang mga miyembro ng BIFF Bungos Faction sa Saydona Mustapha kung saan narekober ng militar ang mga armas kabilang ang matatatas na kalibre ng baril mula sa mga kalaban.

Sinira naman ng militar ang makinang pagawaan ng baril ng mga bandido at ang isang pinagkukutaan ng mga ito.


Facebook Comments