ENGKWENTRO | Holdaper patay matapos manlaban

Caloocan City – Dead on the spot ang isang hinihinalang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay 176 North Caloocan City.

Inabutang nakahandusay sa kalsada ang isang lalaki na nakasuot ng short at itim na t-shirt.

Ayon sa biktima na si Clara, alas tres pasado ng madaling araw naglalakad siya papuntang palengke ng lapitan ng nasabing suspek.


Tinutukan siya ng baril at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone at bag.

Tumakbo papuntang Barangay 176 ang suspek pero nasundan siya ng mga otoridad.

Dito na nagpaputok ng baril ang suspek kaya at napilitang gumanti ang mga pulis.

Nakita sa tabi ng bangkay ng lalaki ang mga gamit ng biktima at isang kalibre 38 na baril.

Nabatid na sunod-sunod na ang holdapan sa nabanggit na barangay at ang tinuturong suspek ay ‘yung napatay na lalaki.

Facebook Comments