PROUD | MRT-3, ipinagmalaki ang 32 sunod na araw na walang aberya

Nakapagtala ang Metro Rail Transit Line 3 ng 32 na sunod-sunod na araw na walang aberya sa biyahe ng mga tren.

Ayon kay Undersecretary for Railways TJ Batan, nagsimula nilang maitala ang sampung sunod-sunod na araw na walang aberya mula noong Abril hanggang Mayo.

Nagawa nila na maitaas ito sa 32 araw mula Oktubre hanggang ngayong araw.


Ayon kay Batan, sisikapin pa nila na pahabain pa ito bilang pangregalong serbisyo sa mga pasahero sa panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Batan na naiayos na nila ang operasyon sa maintenance system ng mga tren.

Hindi tulad dati na patse patse ang interbensyon, single point at comprehensive na ang pagtutok sa rehabilitation ng mga tren.

Facebook Comments