Sulu – Patay ang limang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf habang anim na sundalo ang sugatan sa nangyaring sagupaan sa Sulu. Nakasagupa ng tropa ng 5th scout ranger battalion ng Philippine Army (PA) ang humigit kumulang 30 mga bandido na grupo nina Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron at ng mga sub-leaders na sina Julie Ekit, Amlon Abtahi at Amah Asam. Ang mga naitalang casualty mula sa panig ng Abu Sayyaf, base na rin sa mga bakas ng dugo na naiwan sa lugar at sa mga nakuha nilang impormasyon. Nakuha naman sa clearing operation ang dalawang mataas na kalibre ng baril kabilang na dito ang elisco M16a1 rifle at colt M16A1 rifle na pag-aari ng mga bandido. Apat sa mga sugatang sundalo ay ginagamot ngayon sa kuta Teodulfo Bautista Station Hospital sa headquarter ng joint task force Sulu sa bayan ng Jolo habang ang dalawa ay dinala na sa Zamboanga City kung saan sila ginagamot ngayon. <#m_1413229795245294790_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
ENGKWENTRO | Limang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf, patay sa sagupaan
Facebook Comments