Mahigit kalahating milyong halaga ng shabu, nakumpiska ng kapulisan sa Cagayan de Oro

Mahigit sa kalahating milyon na halaga ng shabu ang nakumpiska ng kapulisan sa drug buy bust operation laban sa kanilang bagong high value target.
Ayon kay Police Sr. Inspector Glenn Abalde, Hepe ng Divisoria Police Station na ang suspek ay nakilalang si Alinair Sarip Dipatuan, 18 anyos na taga Barangay Liminding, Pagayawan, Lanao del Sur.
Nakuha mula kay Dipatuan ang shabu na nagkakahalaga ng 630-thousand pesos at ang buy bust money na isang libo.
Inihayag rin ni Abalde na tagahatid at tagabenta ng druga ang suspek at kumukuha ng kaniyang supply sa Maging, Lanao del Sur.
Naaresto ang suspek sa joint operation ng Police Station One Divisoria, City Intelligence Unit, PDEA Region 10, Regional Intelligence Division at SWAT Team sa Masterson Avenue, Barangay Carmen, Cagayan de Oro City.
-o0o-
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments