Cauayan City, Isabela- Pinalawig ng limang (5) araw ang ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Tuguegarao City, Cagayan na tatagal hanggang February 3.
Ito ay dahil sa dumarami pang kasong nagpopositibo sa COVID-19.
Base sa report, mula sa 16 active cases kada araw ang nahahawa sa COVID-19 ng magsimula ito noong Enero 6 hanggang Enero 20 kung kaya’t higit na tumaas ang bilang sa 23 active cases ng mapasailalim sa ECQ status ang lungsod.
Ayon kay Dr. James Guzman, City Health Officer, mataas ang workplace transmission kung saan lumabas sa datos na aabot sa 94 na indibidwal ang nahawa sa virus na pawang sa mga opisina ang pinagmulan.
Gayundin, nagpositibo sa COVID-19 ang 65 indibidwal matapos sumailalim sa Aggressive Community Testing.
Sa ngayon, nasa 308 na ang aktibong kaso ng Tuguegarao City at tanging paalala ngayon ng LGU na sundin ng publiko ang ipinapatupad na health protocol sa ilalim ng ECQ status.