Nagpapatupad ang Philippine National Police Academy (PNPA) ng Enhanced Learning Program.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PNPA Acting Director BGen. Eric Noble na ang Enhanced Learning Program ay ginagawa ng PNPA para sa kanilang mga graduating students.
Ayon sa opisyal, sa ngayon, mayroong 217 na kadete para sa class of 2023 na magtatapos sa buwan ng Marso sa susunod na taon na sumasailalim sa Enhanced Learning Program.
Sa pamamagitan ng programang ito, naihahanda ang mga magtatapos na kadete sa akademya para sa magiging respective unit assignment nila katulad ng Philippine National Police (PNP), Jail Management and Penology at Fire Bureau.
Paliwanag ni Noble, ang Enhanced Learning Package ay binubuo ng mga subjects kung saan nakapaloob ang operations, intelligence, community relations at investigation.
Dito ay tinitiyak kung marunong mag-communicate – written, oral at non-verbal skills ang mga magtatapos na kadete na kanilang kailangan para sa kanilang mga susunod na assignments upang makapagsilbi sa kanilang mga opisina at taong-bayan.