Waiting time sa mga immigration counters sa NAIA, mas mabilis ngayong holiday season ayon sa Bureau of Immigration

Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na kahit dagsa ang pasahero ngayong holiday season sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay mas mabilis ang waiting time sa mga immigration counters.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na mabilis ang processing time at nasusunod ang international standards na 45 seconds processing time per person sa mga immigration counters.

Bukod dito, mayroon na rin aniyang mga electronic gates kung saan aabot lang sa hanggang walong segundo ang processing sa immigration, kapag Filipino aniya ang pasahero, i-scan lang sa machine ang passport at boarding pass at gagawin ang biometrics ay tapos na agad ang proseso.


Malaki ang naitutulong nito ayon kay Sandoval para hindi magkaroon ng pila sa mga immigration counters sa NAIA lalo na ngayong dagsa ang mga pasahero.

Batay sa tala ng BI, umabot sa mahigit 60,000 ang arrivals sa NAIA nang nakalipas na bisperas ng pasko at mismong araw ng Pasko.

Ganito rin ang aasahan ng BI sa pagsalubong ng bagong taon.

Facebook Comments