Hinimok ngayon ng Go Negosyo na dumalo ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumalo sa kanilang inorganisang event para sa Pinoy workers.
Ayon kay Joey Concepcion, founder ng Go Negosyo, ang event na “Balik-Bayan” na kanilang isasagawa ay isang platform para magbigay ng business opportunities at para matulungan ang OFWs sa gusto nilang maging negosyo.
Hihikayatin daw nila ang mga ito sa entrepreneurship para masiguro na ang kanilang mga pinaghirapan at resources ay magiging produktibo at magkaroon ng kita.
Tampok sa Balik-Bayan 2023 ang informative discussions kasama ang industry leaders, inspirational at learning sessions kasama ang mga matagumpay na entrepreneurs.
Magkakaroon din ng free onsite mentorship sessions na layong maipakilala ang OFWs at kanilang mga pamilya sa mga oportunidad para sa kanilang entrepreneurial journey.
Ang event ay gaganapin bukas, December 2, 2023 sa Music Hall ng SM Mall of Asia sa Pasay City.