Pautang ng Landbank para sa pagbili ng modern Public Utility Jeepneys, umabot na sa P2 billion

117

Umabot na sa P2 billion ang naipalabas ng Land Bank of the Philippines (Landbank) para sa pautang sa pagbili ng mga modern Public Utility Jeepneys (PUJs).

Sa ilalim ito ng programang Special Package for Environment-Friendly and Efficiently-Driven Public Utility Vehicles (SPEED PUV) program, kung saan nasa P2.32 billion ang inilaan para sa pagbili ng 1,093 modern PUJs


Layon ng programa na matulungan ang mga jeepney drivers na makapag-apply ng loan nang hanggang 95%.

Facebook Comments