Walang magiging pagtaas sa presyo ng hotdog at iba pang processed meat products.
Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 82 na nagpapanatili sa mababang taripa para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng bilihin sa mga mamimili.
Sa ilalim ng EO, mananatili ang tariff rates sa imported mechanically deboned meat (MDM) o separated meat ng manok sa 5% at karne ng Turkey sa 20% at offals nito.
Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol – layunin ng EO na magkaroon ng mura at abot kayang presyo ng processed meat products sa mga consumer.
Ikinatuwa naman ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) ang paglagda ng Pangulo sa EO na makakatulong sa local manufacturing industry.
Pagtitiyak ni PAMPI President Felix Tiukinhoy sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa mga consumer na hindi sila tataas ng presyo.
Ang meat processing industry ay buong suporta sa mga hakbang ng gobyerno na nagsusulong ng murang pagkain para sa mamamayan.