Manila, Philippines – Umaapela ang Department of Education (DepEd) sa mga pulitiko na iwasan ang pamumulitika o pagpapapogi sakaling maging panauhing pandangal sa graduation rites.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, hindi tamang okasyon ang graduation para ibida ng mga ‘epalitiko’ ang kanilang mga nagawa o gagawin pa lang sa kanilang nasasakupan.
Sa halip, sinabi ni Mateo na gawing inspirational ang kanilang talumpati para mahikayat ang mga kabataan na pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral.
Pero nilinaw ng DepEd na hindi ipinagbabawal ang mga pulitiko na dumalo o maging guest speaker basta’t piliin lamang ang kanilang mga sasabihin.
Facebook Comments