Epekto ng mataas na satisfaction rate sa kandidatura ni Pangulong Duterte sa pagka-bise presidente, malabo pa!

Maituturing pang maaga para malaman kung magkakaroon ng epekto sa kandidatura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-bise presidente sa 2022 elections ang pananatiling mataas ng satisfaction rate nito.

Ito ay matapos lumabas sa datos ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na umabot sa 75% ang satisfaction rating ng pangulo na bagama’t bumaba mula sa 84% noong Nobyembre 2020 ay maituturing pa ring mataas.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Political Analyst at Professor Ramon Casiple na marami pang isyu ang mangyayari sa nalalabing buwan ng pangulo.


Posible rin aniyang mabago pa ito dahil nahaharap pa sa pandemya ang Pilipinas dulot ng COVID-19

Facebook Comments