Pagiging takot at pagkawala ng pag-asa na tumakbo sa eleksiyon, itinanggi ni Vice President Leni Robredo

339

Pinakalma ni Vice President Leni Robredo ang publiko kasunod ng mga lumalabas na ispekulasyong natatakot siyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Sa maikling mensaheng inilabas ng pangalawang pangulo, nagpasalamat ito sa lahat ng kaniyang supporters dahil sa patuloy na pagsuporta sa kaniya.


Itinanggi naman nito na pagod at nawawalan na siya ng pag-asa na manalo kung muling tatakbo sa halalan.

Sa ngayon, nanawagan si Robredo na maniwala lamang sa kaniya ang mga Pilipino para mabago ang administrasyong nagdulot ng hirap sa karamihan.

Facebook Comments