Epicenter ng COVID-19 sa Cagayan Valley, Muling Nakapagtala ng Mataas na Recoveries

Cauayan City, Isabela- Patuloy na nakakapagtala ng panibagong bilang ng mga gumaling sa COVID-19 ang Lalawigan ng Nueva Vizcaya na tinaguriang epicenter ng virus sa region 02.

Sa pinahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, nakarekober na sa sakit ang dalawampu’t isang (21) COVID-19 positive na naitala mula sa iba’t-ibang bayan ng Nueva Vizcaya na kinabibilangan ng Aritao, Bagabag, Bayombong at Solano.

Dahil dito, umakyat sa bilang na 477 ang total recoveries ng nasabing probinsya na inaasahang madagdagan pa ang mga gumagaling.


Bagamat marami ang naiulat na nakarekober ay nakapagtala naman ng apat (4) na new confirmed cases ang Nueva Vizcaya na mula sa Bayan ng Bambang, Bagabag at Solano.

Umabot naman sa 577 ang kabuuang bilang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ngunit nasa 83 na lamang ang aktibo habang labing pito (17) ang namatay.

Facebook Comments