EPIDEMIC RISK CLASSIFICATION NG REGION 2, NASA MODERATE NA LANG

Cauayan City, Isabela- Nasa moderate na lamang ang epidemic risk classification ng buong Lambak ng Cagayan mula sa dating klasipikasyon na ‘critical’.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) Regional Office No. 2 ngayong araw, Mayo 3, ang Average Daily Attack Rate (ADAR) o bilis ng pagdapo ng virus sa buong rehiyon ay bumaba sa nakalipas na dalawang Linggo.

Bukod dito, wala nang lugar sa Cagayan Valley ang nasa ilalim ng ‘Critical Epidemic Risk Classification’, ang pinakamataas na classification na maaaring mapasailalim ang isang lalawigan o Lungsod.


Gayunpaman, nasa ‘High Epidemic Risk Classification’ pa rin ang Tuguegarao City, ang mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya at Cagayan.

Nasa ‘Moderate’ classification naman ang Lalawigan ng Quirino, bumaba mula sa status nito na ‘High’ sa nakalipas na dalawang Linggo.

Kasama rin sa ‘Moderate’ ang Lungsod ng Cauayan at Santiago.

Bumaba naman sa ‘Low’ status ang City of Ilagan mula sa ‘Critical’ na status nito sa nakalipas na dalawang linggo.

Nananatili namang nasa ‘Minimal’ classification ang lalawigan ng Batanes.

Gayunpaman, pinapaalalahanan pa rin ng kagawaran ang lahat ng sumunod sa mga minimum health protocols dahil bagama’t bumaba ang mga klasipikasyon ng mga nabanggit na lugar, mataas pa rin ang bilang ng mga aktibong kaso.

Facebook Comments