ERC, dapat siguraduhing walang blackout sa eleksyon

Pinapatiyak ni Senator Risa Hontiveros sa Energy Regulatory Commission (ERC) na sapat ang suplay ng kuryente sa panahon ng halalan upang hindi makompromiso ang integridad at kredibilidad ng eleksyon.

Panawagan ito ni Hontiveros matapos magbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maaaring maiangat sa red alert status ang Luzon Grid anumang oras sa Abril hanggang Hunyo, na posibleng makaapekto sa halalan.

Pinaalala rin ng opisyal na nagbitaw ng salita ang Department of Energy (DOE) na maaasahang sapat ang supply ng kuryente bago, habang at pagkatapos ng Mayo 9, 2022.


Diin ni Hontiveros, dapat ay may safety measures na para hindi na maulit ang red alert status noong Mayo at Hunyo 2021 dahil sa deratings ng Malampaya at hindi planadong pagsasara ng ilang power plant.

Muli ring iginiit opisyal ang kaniyang panawagan na imbestigahan ang pagpapatupad ng Electric Power Inustry Reform Act (EPIRA) na dapat sana ay solusyon sa patuloy na problema hindi maaasahan at mataas na halaga ng kuryente sa bansa.

Facebook Comments